Pagnanais

Panaginip ko’y katabi ka
Gabi gabi, ika’y nasa isip
Mga bulong sa hangin
Ilang sekreto ang kayang matago
Kaya mo bang ilihim to?
Dahil may tunog sa puso ko’y
Paulit-ulit sa pagtugtog
Sa kung ano mang dahilan
Ika’y naaalala
Tuwing ito’y napapakinggan

Dapat bang malaman?
Di ako sigurado
Dapat ko bang matuntunan
Kung san patungo ang pusong hibang?

Bakit kailangang
Ika’y lumayo?
Kalungkutan ay bumabalot
Sa puso kong nag-iisa
Ninanais sana
Kung pupuwede lang
Sana’y nanatili ka nalang

Siguro’y masyado akong abala
Sa pananatiling maging sayo lamang
Sa pananatili ng damdamin
Na pupwede naman sanang kalimutan

Di ako sigurado
Randam mo ba ang aking nararamdaman?
Dapat ko pa bang malaman?
Mga puso ba nati’y magkatugma?

Tiyak alam mo rin naman
Na kahit anong mangyari
Tayo’y nasasakupan ng iisang langit
Sana’y maalala mo rin
Pangalan ko’t ngiti
Kahit lang man saglit
Kahit man lang pilit
Wag lang makalimutan
Na kahit minsan
Tayong dalawa’y may saglit
Na pinagsamahan

Siguro’y masyado akong abala
Sa pananatiling maging sayo lamang
Di na ko makakapag abala sa iba
Kahit dapat
Kahit nararapat
Kahit dapat kang makalimutan

Di ko alam kong ramdam mo ang ramdam ko
Di ko alam kong gusto mo rin ako
Di ko alam kung tama ang nararamdaman ko
Pero pwede tayong maging “tayo”
Kung gugustohin mo

xoxo
Sheree

image

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s