Diskursu ni A at ni B

“Takot ka bang masaktan?”

Natanong ko ito dati sa isang kaibigan.

Nabigla siya. Natural lang naman yun dahil bigla ko lang nasambit mula sa kawalan. Walang babala, walang koneksyon sa pinag-usapan. Bigla lang pumasok sa aking isipan at derecho kong natanong.

Tiningnan nya ako sa mga mata at sinabihan, “Oo. Pero di ibig sabihin magpapatalo ako sa sakit. Masasaktan at masasaktan din naman tayo. At dahil di maiiwasan yun, hindi ibig sabihin na susuko na ako kaagad.”

Putik. Ang lalim ng sagot niya. Di ko nga alam kung may tinutukoy syang bagay o okasyon, pero parang general na rin naman sagot nya.  Kunsabagay, general lang din naman tanong ko.

Tumahimik kaming dalawa. Iniisip ko kung sa kung anu-anong okasyon nababagay yung sagot niya. Ang dami. Pwede sa pag-ibig, pwede rin sa inaasam-asam na pangarap. Pupwede rin sa trabaho, sa sakripisyo ng iba, o sa mga sentimiyentong kelangan pakawalan. Pwede rin sa alaala ng mga nakaraang masaklap o sa mga matatamis na panahong di na pwedeng balikan. Pwede rin sa pisikal na katawan at sa ispiritwal.

Putik, ang lalim pala mag-isip ng kaibigan ko.

Bigla siyang nagsalita, “Mahirap kasi kapag di mo kinayanan ang sakit. Kung sumuko ka na lang, di ka magkakaroon ng lakas na humarap sa mga mas mabibigat na problema sa buhay. Mas lalo ka masasaktan dahil di mo nakayanan ang sakit ng nakaraan. Kaya kelangang masaktan. Kelangan natin yun para matuto.”

“So, okey lang sayo’ng humarap sa isang sitwasyon kung saan masasaktan ka ulit? Kahit mas masakit pa ang mararanasan mo kesa sa nakaraan?”, tanong ko.

“Hindi. Nakakatakot kasi. Pero ang sakit, di mo naman mapipigilan yun. Kusa lang sya’ng dumarating kung kelan nararapat. Kahit sa ayaw mo at sa gusto, kelangang mapagdaanan,” sagot niya.

Napalunok nalang ako ng laway. Ano pa ba matatanong ko? Alam ko naman na kung tutuusin, wala naman talagang gustong masaktan. Kahit nga itong kaibigan ko, umaamin na ayaw nyang maranasan yun kung pwede lang maiwasan. Alam rin naman siguro natin kung bakit kelangang dumaan tayo sa sakit.

Nasa tao lang talaga siguro yung sa huli. Kung magpapakaduwag ka o kung magpapaka martir, kahit na paminsan-minsan, ang sa huli ang mas nakakasama.

Nasa tao na nga talaga siguro yun.  Dahil kahit alam mo kung bakit kelangan mong masaktan, mahirap pa rin kasi sundin kung minsan ang dikta ng bibig at puso.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s